Nagumpisa ang lahat ng pagsisisi ko nung december 2005 nung nagkamali ako ng pagpili ng magandang brand ng laptop.Dahil sa sa katangahan ko sa pagpili nabili ko it itong brand na may tatlong letra na brand NEO for 34,500 without OS.NEO stands for Napaka.Engot.kOng pumili ng gadget.
Excited ako dahil first time kung nagkaroon ng laptop, naramdaman ko painit ng painit ang laptop ko.Switch on ko naman ang electric fan at sabay totok sa Laptop, medyo ok na naman.Iniisip ko normal lang dahil matagal lang akong gumamit.Hindi ko alam ito na pala free package Laptop at plantsa all in one!!!!!hahaha!Gumagamit ako ng computer at electric fan at the same time!doble gastos kuryente!asan na ba ang mobile computing nito?Nakita ko itong Laptop cooler sa greenhills.Tuwang tuwa naman itong si engot kasi iniisip ko na ito na ang solusyon.Karagdagang gastos lang pala ito walang nagyari!
Nagbrownout sa amin akala ko naman walang problema kasi naka fullcharge ang N.E.O laptop ko. Ang resulta "Gone in 60 seconds"60 seconds ko lang itong nagamit at nagbattery empty na!Sabi ng kapatid ko bumili nalang daw ako ng Motolite at ikabit sa laptop ko!kainis!
Late night internet surfing naman sa kwarto.Hindi naman makatulog ang asawa ko sa ingay ng laptop hindi ko alam kung ang fan o anong hinayupak na parte ng N.E.O Laptop ang maingay.Hindi ko naman madala sa kanilang service center dahil dito ako sa TAWI TAWI nakatira.
Hanggang ngayon pinagtitiisan ko na lang itong N.E.O Lappy ko habang nagiipon uli ng pera para pambili ng ibang laptop.Naging leksyon ko na ito at sana itong blog na ito makatulong sa inyo para hindi kayo matulad ko.Till here masusunog na palad ko sa init!hehehe!At kung ikaw ay tulad ko rin just drop your fuckin comment below!karmahin natin itong NEO!makibaka!hehehe
Saturday, December 20, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)